OFW, nagpa-abort sa hotel… patay

OFW, nagpa-abort sa hotel… patay

July 11, 2018 @ 6:28 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Namatay sahi ng matinding pagdurugo ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos mag-abort sa loob ng isang hotel sa Maynila ngayong hapon sa Quiapo,Maynila.

Isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), ang biktima na itinago sa pangalang Merly , habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng isa pang babae na umano’y abortionist  na kasama umano ng biktima pagpasok sa hotel na hindi na pinangalan pa.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Homicide Section , nakatanggap ng tawag ang pulisya pasado alas 3 ng hapon mula sa nasabing ospital hinggil sa pagkamatay ng  ginang.

Dito napag-alaman ng imbestigador na nag-check ang biktima  alas-2 ng hapon ng Martes na nag-iisa at makalipas lamang ng ilang minuto ay dumating naman ang isa pang babae na hinihinalang  abortionist.

Gayunman, nagduda ang mga staff ng hotel nang mapansing hindi lumalabas ang biktima sa kanyang silid kaya kinatok ito pero hindi sumasagot dahilan upang buksan ng duplicate key ang pinto ng kuwarto.

Dito na bumulaga sa mga staff ang biktima na duguan na ang kanyang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Pinaniniwalaang nagtangkang magpalaglag ang biktima kaya ito dinugo at dahil sa dami ng nawalang dugo sa kanya ay nagresulta ng kanyang pagkamatay,

Patuloy na nakikipag-ugnayan ngayon ang pulisya sa pamunuan ng hotel upang malinawan ang sinapit ng biktima. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)