OFW REMITTANCES MAS LUMAKI NITONG 2021

OFW REMITTANCES MAS LUMAKI NITONG 2021

February 17, 2022 @ 8:20 AM 4 months ago


LUMAKI ng 5.1% ang remittances na mula sa mga overseas Filipinos nitong taong 2021 kumpara noong taong 2020.

Batay sa datus ng BSP o ng Bangko Sentral ng Pilipinas, kabuuang US$ 31.418 billion ang pumasok sa bansa kumpara sa US$ 29.903 billion noong 2020.

Lumaki din ang cash remittances mula sa iba’t ibang rehiyon ng mundo na mayroong Pilipino

America – 7.1%

Europe – 5.5%

Asia – 4.5% at

Middle East – 0.7%

Nanguna sa mga bansang may malalaking remittances

United States of America

Singapore

Kingdom of Saudi Arabia

Japan

United Kingdom

United Arab Emirates

Canada

Taiwan, Republic of China

Qatar

South Korea

Aabot sa 78.9% ang pinagsamang remittances mula sa nabanggit na mga bansa.

Ang kita mula sa mga OFWs ay katumbas ng 8.9% sa ating GDP o gross domestic product, at 8.5% sa Gross National Income.

Sa gitna man ng pandemya, malaki parin ang naiaambag ng mga Pilipino sa ibayong dagat sa ating pambansang ekonomiya.

-ooOoo-

GOMBURZA: PAMANA NG PAGLILINGKOD AT PAG-AALAY

Gugunitain ng bansa ngayong araw ang “sesquicentennial” o ang 150th martyrdom ng GOMBURZA o ang kabayanihan ng mga paring sina Mariano GomezJose Burgos at Jacinto Zamora.

Noong February 17, 1872, sa pagsaksi ng tinatayang 40,000 katao sa Bagumbayan o ang Luneta Park sa kasalukuyan ay binitay sa pamamagitan ng garrote ang tatlong pari.

Sila ay isinangkot sa pag-aaklas ng mga manggagawa sa Cavite navy shioyard dahil sa kabawasan sa suweldo. Ang maling paratang ay pinabigat ng mga binayarang testigo.

Para sa mga scholars, ang pagpatay sa GOMBURZA ay pagpapahiwatig ng Espanya sa mga nagsisimula nang mamulat na Pilipino na kamatayan ang magiging sukli ng kanilang anumang balakin na pabagsakin ang naghaharing mga Kastila.

Ngunit nagkamali sila, dahil ang pagpaslang sa GOMBURZA ay nagbukas ng mas malalim pang pang-unawa sa kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng Espanya. Nagsilbi itong inspirasyon kay Dr. Jose Rizal sa kanyang pagsulat ng ikalawang nobelang “El Filibusterismo” o “Ang Pilisbutero”.

Pangungunahan ng NHCP o ng National Historical Commission of the Philippines ang programa sa temang “GOMBURZA: Pamana ng Paglilingkod at Pag-aalay”.

Maliban sa GOMBURZA execution site sa Rizal Park ay magkakaroon din ng kasabay na wreath laying ceremonies sa Bacoor, Cavite; Vigan city, Ilocos Sur; sa Pandacan, Manila; at sa Paco Cemetery.