OFW remittances mauungusan ng paglago ng BPO sector

OFW remittances mauungusan ng paglago ng BPO sector

September 8, 2022 @ 9:16 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi malayong i-overtake ng Business Process Outsourcing (BPO) sector sa Pilipinas ang Overseas Filipino Workers (OFW) remittances dahil sa growth rate.

“The growth rate only in the BPO sector is projected at 10% at its minimum, but we are pushing it might be achievable at 15% growth. That sector might even overtake OFW remittances very soon,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT)
Sec. Ivan John Uy sa economic briefing sa Singapore, araw ng Miyerkoles.

Sa state visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang iba pang government officials sa Indonesia at Singapore, napag-usapan ang iba’t ibang paksa kabilang na ang pag-imbita sa mas maraming foreign investments sa Pilipinas para tumulong sa economic recovery ng Pilipinas.

Nananatili aniya ang PIlipinas bilang isa sa “top destinations” para sa BPO firms.

“The sector contributed $29 billion to the Philippine economy last year and has generated over one million jobs,” ayon kay Uy.

“We project that in the next few years, we will be hitting an additional one million jobs,” dagdag na pahayag nito.

Noong Hunyo, kapuwa inihayag ng IT at Business Process Association of the Philippines na nakapagtala ang industriya ng $29.49 billion na kita noong 2021, sinasabing 10.6% increase mula sa nakalipas na taon.

Samantala, ang personal remittances noong 2021 ay pumalo naman sa $34.88 billion, tumaas ng 5.1% sa nakaraang taon.

Gayunman, bahagya naman itong mababa kumpara sa 6% na target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“The country is ready to supply BPO companies with a talented digital workforce as the department continuously rolls out training programs to upgrade the digital skills of Filpino workers to meet the demands of the industry,” ayon pa rin kay Uy.

Kumpiyansa naman si BSP Governor Felipe Medalla sa BPO sector sa bansa.

“Industry stakeholders are only pushing for more flexibility in terms of tax incentives, which can easily help them grow by 12%,” ayon kay Medalla. Kris Jose