OFW tigok sa poste ng kuryente

OFW tigok sa poste ng kuryente

August 8, 2022 @ 7:38 AM 2 months ago


ILOCOS SUR-Dedbol ang isang 24-anyos na lalaki matapos na bumangga sa poste ng kuryente ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Tinaan, Sta. Maria ng lalawigang ito.

Kinilala ng Sta. Maria Municipal Police Station ang biktima na si Marjune Aleluia y Dasugo, walang asawa, isang OFW, residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay nakasakay ng Honda Sonic 150 motorcycle at patungong hilagang direksyon sa barangay road ng naturang lugar.

Hinihinalang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya sumalpok ang minamaneho nitong sasakyan sa wooden electrical post na nasa left side ng daan.

Ang biktima na nagtamo ng head injury ay agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital, Narvacan, Ilocos Sur matapos ang insidente.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso