OFWs: Deployment ban sa Saudi, alisin na!

OFWs: Deployment ban sa Saudi, alisin na!

March 24, 2022 @ 5:23 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang ilang grupo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Department of Labor and Employment (DOLE) na alisin na ang deployment ban sa Saudi Arabia.

Ayon kay Bong Concha, president ng OFWs Kaagapay, apektado na ng deployment ban ang mga pamilya ng mga OFW na hanggang ngayon ay pending ang trabaho sa Saudi.

“We are appealing to the good secretary to hear the voices of our OFWs who want to work abroad, especially in Saudi Arabia because they want to help their family. If the reason for Sec Bello is to protect our OFWs, against their employers abuse then we have to make concrete policy in connection to protect the OFWs,” panawagan ni Concha.

Sabi naman ni AkoOFWs Chairman Chie Umandap, bagama’t nauunawaan nila ang punto ni Labor Sec. Silvestre Bello III ay aabot naman na sa 6,000 OFWs ang naapektuhan ng deployment ban.

“We know that this move affected five to six thousand OFWs already waiting to fly to Saudi. This already affected their respective families,” ani Umandap.

Matatandaang nagpatupad ng deployment ban sa Saudi Arabia ang DOLE matapos na madiskubre na libu-libong OFW ang hindi pinapasahod nang tama ng kanilang mga employer. RNT/ JCM