OFWs hinikayat na mag-enroll sa libreng online training ng TESDA

OFWs hinikayat na mag-enroll sa libreng online training ng TESDA

September 10, 2022 @ 12:37 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinihikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga overseas Filipino worker (OFWs), bilang isa sa mga prayoridad nitong sektor na mag-enrol sa libreng online na pagsasanay at mga kursong pangkabuhayan.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa kanyang pagbisita dito para dumalo sa K-Skills Competition noong Agosto 28, nakipagpulong si Deputy Director General Aniceto Bertiz III kay Philippine Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary, Ma. Theresa Dizon-De Vega, iba pang opisyal at OFW na nakabase sa Korea.

Sa kanyang mensahe, hinikayat silang mag-avail ng libreng 150 TESDA Online Program (TOP) courses na kapaki-pakinabang sa re-tooling, upskilling at reskilling ng mga OFW, at nagbibigay ng training at livelihood programs para sa mga OFW at kanilang pamilya.

“Through these programs, we aim to prepare our Filipino workers – wherever they are – to become highly-skilled and globally-competitive, and who can adapt to the ever-changing demand of the industry,” anang opisyal.

“Our OFWs are among TESDA’s top clients. Kasama nyo ang TESDA sa pagpapalalim ng ating kaalaman, sa paghuhubog ng kasanayan, at sa pagpapalago ng inyong kabuhayan. Kaisa ninyo angTESDA sa inyong mga pangarap sa buhay,” sabi pa ni Bertiz.

Ayon kay Bertiz, ang TESDA kasama ang kanilang partner agencies at pribadong sektor ay may ibang programa para sa mga OFW kabilang ang OFW Reintegration for Skills Employment (RISE).

Pinuri rin ni Bertiz ang PEAK Pinoy Program, o ang Promoting Entrepreneurship and Agri-business sa mga OFW sa South Korea, na naglalayong magbigay ng entrepreneurship at agribusiness seminar para sa mga Pilipino sa Korea. Ipinahayag din niya ang kanyang suporta para sa inisyatiba.

“I assure you of our support in all your efforts at improving technical vocational skills, especially for our OFWs and their families,” sabi ni Bertiz.

Ang TOP ay maa-access sa pamamagitan ng https://e-tesda.gov.ph/ o sa pamamagitan ng TOP Mobile App na maaaring i-download sa mga smartphone sa pamamagitan ng Google Play Store at App Store. Jocelyn Tabangcura-Domenden