Ogie Alcasid, pinormahan pala dati si Manilyn Reynes

Ogie Alcasid, pinormahan pala dati si Manilyn Reynes

July 30, 2018 @ 7:52 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Binulgar ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid na niligawan at minahal niya dati ang aktres na si Manilyn Reynes.

“Let’s just say minahal ko siya,” ani Alcasid.

Ngunit nilinaw naman ng singer na hindi sila naging official na naging magkasintahan ng aktres, parang mala Mutual Understanding (MU) lang?

“Hindi kami naging boyfriend-girlfriend pero naging sobra kaming close,” sabi ni Alcasid.

‘Di gaya ni Alcasid, ang kaibigan at kapwa niya singer na si Janno Gibbs ay umamin naman na nagkaroon sila ng relasyon ni Reynes.

Nagkaroon rin ng closure ang naging relasyon ni Gibbs kay Reynes.

“Kami may closure, magkaibigan kami. Sila, wala eh,” dagdag ni Gibbs. Remate News Team