Ogie Diaz, may nilinaw sa isyung may ‘something’ kina Liza at James!

Ogie Diaz, may nilinaw sa isyung may ‘something’ kina Liza at James!

July 2, 2022 @ 10:04 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa isang interview kay Ogie Diaz ay natanong siya tungkol sa pag-alis sa kanyang kwadra ni Liza Soberano at nagdesisyon na lumipat sa Careless Talent Management ni James Reid.

Ayon sa komedyante/TV host/talent manager/influencer, wala naman siyang sama ng loob sa dating alaga maging kay James. Nagpaalam naman daw sa kanya ng maayos si Liza.

Kaya hangad niya na maging magtagumpay ito sa pangarap na Hollywood career.

Natanong si Ogie kung kinausap ba siya ni James sa paglipat ni Liza sa kanya. Ang naging tugon niya ay hindi.

“Pero okey lang ‘yon at walang problema. Mas magkakaroon ng problema kung close kami ni James tapos hindi man lang niya ako kinausap.

“Okay lang. Siyempre, nasa tao naman ‘yun kung gustong magpaalam. Kung hindi, wala rin namang problema. Walang kaso sa akin,” sabi ni Ogie.

Sinabi pa ni Ogie na okey naman si James at matagal nang magkakaibigan ang apat— James at Liza kasama sina Nadine Lustre at Enrique Gil.

Sa pag-uugnay naman kina James at Liza, ang sabi ni Ogie, “Napaka-imposible nu’n, dahil bukod sa matagal na silang magkaibigan, sina Liza at Enrique (Gil) pa rin. Walang katotohanan na nag-break na sila,”.

Ayon pa kay Ogie, hindi ganoong klaseng babae si Liza na kaagad pumapatol sa ibang lalaki.

O, ayan, coming from Ogie, walang katotohanan ang napapabalita na break na sina Liza at Enrique at si James na ang bagong kerelasyon ni Liza. Rommel Placente