Ogie Diaz, nag-sorry sa OA na opinyon kay Marvin Agustin!

Ogie Diaz, nag-sorry sa OA na opinyon kay Marvin Agustin!

January 6, 2022 @ 9:03 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Feeling elated ang talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz makaraang tawagan siya ni Marvin Agustin.

Bunsod ‘yon ng unsolicited advice ni Ogie kay Marvin na i-refund nito ang ibinayad ng mga kostumer na hindi nasiyahan sa inorder nilang cochinillo noong Noche Buena.

Ang cochinillo o roasted piglet ay isa sa mga food products na ibinebenta ni Marvin.

Reklamo ng mga umorder nito, kung hindi late dumating ang order ay hilaw o makunat na ang balat nito.

Kagyat namang humingi ng dispensa si Marvin sa mga umorder, even vowed na babawi siya sa susunod.

Samantala, ani Ogie, himself a dissatisfied customer ay dapat daw isoli ng aktor ang ibinayad nila kung sinsero raw ang aktor na ibangon ang kanyang dignidad.

Ogie received an unexpected phone call from Marvin, na ikinahiya niya. Nag-sorry si Ogie dahil napasobra raw ang pagbibigay niya ng opinyon.

At the same time, touched si Ogie sa gesture ni Marvin na nag-reach out sa kanya para sabihing may katwiran naman ang manager-vlogger.

Kunsabagay, it takes an amount of guts for a person to own up to his mistakes.

At sa bagay na ‘yon daw bumilib si Ogie kay Marvin who deserves another chance. Ronnie Carrasco III