Ogie, kampi sa mga basher!

Ogie, kampi sa mga basher!

August 28, 2022 @ 1:19 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Saan ka nga naman makakakita ng isang taong bina-bash na nga’y iniintindi pa nito ang mga basher?

Ganito raw kabait si Ogie Alcasid, ayon na rin sa maybahay niyang si Regine Velasquez.

Panauhin ng Magandang Buhay si Ogie kung saan host ang Asia’s Songbird along with Jolina Magdangal and Melai Cantiveros.

Mismong si Regine na ang nagtanong sa asawa na, “Hiwalay na raw tayo?”

Ani Ogie, may mga tao lang daw na sadyang masaya kapag nakikitang hiwalay na ang dalawang taong nagmamahalan.

Payo niya sa misis, huwag na raw pansinin ang mga basher dahil hindi naman totoo.

Pero bumilib si Regine sa analysis ni Ogie by saying “Hurt people hurt people.”

In essence, baka raw naman may pinagdadaanan ang basher kung kaya’t namba-bash ito.

Napa-oo na lang si Regine, sabay sabing sa loob daw ng 12 taon nilang pagsasama ni Ogie ay mas mahal daw niya ito ngayon kaysa dati.

In fact, noong nagkaroon daw ito ng US tour with Janine Gutierrez and Paulo Avelino nang hindi siya kasama ay iyak siya nang iyak.

Kung tutuusin naman, the feeling is mutual.

Feeling blessed din si Ogie for having chosen to marry Regine.

Sana all. Ronnie Carrasco III