Ogie, nabuwisit sa pakialamerong road manager! 

Ogie, nabuwisit sa pakialamerong road manager! 

December 18, 2022 @ 8:19 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Unspoken rule na pinaiiral ni Ogie Diaz sa tuwing may artista siyang kakapanayamin: never drag his manger or road manager to the interview.

Naging karanasan na kasi ni Ogie together with his co-hosts na mas marunong pa kesa sa kanila ang kinaray na manager.

Isang recent example ang guesting ni Sean de Guzman sa kanila.

Sean came to the interview with his RM in tow.

Ang guesting na ‘yon ni Sean ay para i-promote ang entry nito sa Metro Manila Film Festival, ang My Father, Myself.

Sensitibo ang tema ng pelikula, ayon na rin sa diskusyon ni Ogie and his co-hosts.

At para hapay nga naman sa tema, may tanong si Ogie kay Sean na may kinalaman sa gay romance.

Dali-dali naman daw sumenyas ang RM kay Ogie, wanting to change the question entirely.

Again, pinaraphrase ni Ogie ang tanong, hoping na papasa na ito.

Still, hindi pa raw ‘yon nagustuhan ng RM who maintained na film-related questions lang ang dapat itanong kay Sean.

At this juncture, hindi na itinago ni Ogie ang kanyang pagkabuwist.

Ano raw ba ang gustong line of questioning: tungkol sa tomboy.

Game naman si Sean na sagutin ‘yon, nahihiya pa nga raw ito sa RM niya.

Kaya sabi ni Ogie, sa uli-uli raw ay huwag isasama ang RM o manager dahil maraming bawal itong ini-impose.

Katwiran ni Ogie, nadi-distract siya sa pangingialam ng mga ito.

And as a result, nasisira raw ang flow o takbo ng interview.

But before the interview ended, ikinaloka ng dalawang co-hosts ni Ogie na prank lang pala ‘yon! Ronnie Carrasco III