Ogie, nadale ng COVID-19, naka-isolate!

Ogie, nadale ng COVID-19, naka-isolate!

August 15, 2022 @ 9:34 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Nitong August 13 ay ipinost na ni Ogie Alcasid na may sintomas na siya ng COVID-19.

Kinabukasan, kinumpirma niya sa kanyang Instagram account na nadale nga siya ng virus.

Bago rito’y nakaranas daw siya ng pangangati ng lalamunan at hoarse voice nang gumising siya.

Ogie wasted no time  kung kaya’t kinabukasan he had to make sure.

Saksi ang testing kit na isinama niyang ipost where he tested positive for the virus.

Tila dinaan pa sa biro ng singer-songwriter ang pagkakaroon niya ng virus.

Nakaiwas nga raw siya sa COVID-19 magmula nang magkaroon ng lockdown two and a half years ago, pero ang ending ay nadale rin siya.

Umani naman ng words of concern ang kanyang confirmatory post, at panalangin na magpagaling siya.

Ibayong ingat naman ang ginagawa ni Ogie tulad ng isolation at proper medication para hindi niya mahawahan ang misis na si Regine Velasquez at anak nilang si Nate.

Good thing, hindi na kasingbagsik ang virus these days compared to how it was noong manalasa ito noong 2020.

Still, there should be no room for complacency. Ronnie Carrasco III