OIC: DSWD nasa mas maayos na posisyon dahil kay Tulfo

OIC: DSWD nasa mas maayos na posisyon dahil kay Tulfo

January 4, 2023 @ 10:56 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa “better position” ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil kay Secretary Erwin Tulfo.

“A big part of that success was the able leadership of Secretary Erwin Tulfo, who has done a lot in the department even for a short period of time,” ayon kay officer-in-charge Eduardo Punay sa flag ceremony sa DSWD central office.

Tiniyak din ni Punay sa publiko na ipagpapatuloy ng departamento na isulong ang mga reporma at programa na sinimulan ng Kalihim.

“This is the perfect time to demonstrate the power of unity that the President is espousing. Together, we will stand and remain on track toward our ultimate goal to be the best-performing agency in the government,” ani Punay.

Ayon kasi sa isang independent survey, nakopo ng DSWD ang pangatlong puwesto sa hanay ng “best-performing agencies” sa bansa.

Matatandaang, itinalaga ng Malakanyang si Undersecretary for Special Projects Edu Punay bilang Officer-in-Charge (OIC) ng DSWD.

Nabatid na ang pagkakatalaga kay Punay bilang OIC ay matapos na hindi i-reappoint ni Pang. Marcos si Secretary Erwin Tulfo, na dalawang ulit nang na-bypass ng Commission on Appointments (COA).

Nakasaad sa Memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Disyembre 23, at inilabas nito lamang Martes, inaatasan si Punay na tiyakin na ang pang-araw-araw na mga aktibidad ng DSWD ay maayos na napapamahalaan, kabilang ang paglagda sa mga administrative issuances, contracts, memoranda of agreement o official documents na kinakailangan upang maipatupad ang mga objectives, policies at functions para sa episyente at epektibong operasyon ng DSWD, na consistent sa otoridad na ipinagkakaloob sa isang OIC, sa ilalim ng umiiral na batas, alituntunin at mga regulasyon. Kris Jose