Oil drill sa Palawan ng Aussie firm pinayagan ni PBBM

Oil drill sa Palawan ng Aussie firm pinayagan ni PBBM

October 12, 2022 @ 7:46 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinayagan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Australian energy firm na ituloy ang pagsasagawa ng oil exploration activities sa hilagang kanlurang baybayin ng Palawan sa susunod na taon.

Nakikita kasi ng Pangulo na makalilikha ito ng “strong interest” mula sa mga foreign investors.

Nauna rito, nakakuha ang Sacgasco, lokal na nagpapatakbo bilang Nido Petroleum Philippines Pty. Ltd., ng basbas para makapag-perform ng on-site survey sa lumang Cadlao oilfield sa loob ng huling kwarter ng 2022.

Ang Nido Petroleum ang operator ng Service Contract 6B sa Palawan basin, sakop ang oilfield.

“The on-site survey will be followed by the drilling of two wells — one exploration and one appraisal by the first semester of 2023,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng Office of the President (OP).

“The appraisal well could lead to early oil production by the second half of next year, with the volume of recoverable oil expected to reach 5 to 6 million barrels,” ayon pa rin sa OP.

Para naman kay Pangulong Marcos, “While it is a first step, it signals the government’s intent to maximize indigenous resources and has attracted strong interest from foreign investors in the Philippine upstream oil and gas sector.”

Samantala, sinabi naman ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na ang desisyon ng Pangulo ay sumasalamin sa kasalukuyang ginagawang pagsisikap ng administrasyon na makahanap ng “locally-sourced oil products or oil exploration projects” na makatutulong na tugunan ang patuloy na pagsirit ng presyo ng langis.

Binanggit din ni Velicaria-Garafil na tinalakay sa cabinet meeting ang muling panawagan na suspendihin ang pagkolekta ng excise tax sa petroleum products.

“Nagco-consider sila ng options and in time mag-a-announce sila ng mga specific plans and programs to address the issue,” wika ni Velicaria-Garafil. Kris Jose