Oil, gas negotiations parameters itatakda ng DFA

Oil, gas negotiations parameters itatakda ng DFA

January 13, 2023 @ 10:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pino-proseso na nito ang pagtatakda ng parametro na magiging gabay sa oil at gas negotiations sa hinaharap.

Sinabi ng DFA na masusi nitong pinag-aaralan ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Joint Marine Seismic Undertaking.

Nauna rito, idineklara ng Korte Suprema na “void at unconstitutional” ang 2005 agreement kung saan pinapayagan ang China at Vietnam na gumawa ng joint exploration kasama ang Pilipinas para sa oil resources sa mga lugar sa ilalim ng hurisdiksyon ng bansa sa West Philippine Sea.

“The Department’s actions and policy recommendations are, at all times, anchored on the Philippine Constitution and laws,”ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza.

“Cases decided by the Supreme Court form part of the legal system, and the Department is duty-bound to take applicable cases into consideration in any future discussion with China on oil and gas,” dagdag na wika nito.

Para kay Daza, premature pang pag-usapan ang legal implications ng kaso sa kahit na anumang kasunduan sa hinaharap sa China dahil hindi pa aniya nasisimulan ang substantive discussions. Kris Jose