Local medicine production ng Pinas, palakasin – PBBM

March 30, 2023 @8:44 AM
Views: 8
MANILA, Philippines – Kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang ipinatupad na lockdowns bunsod ng COVID-19 pandemic ay dapat na nag-udyok sa Pilipinas para palakasin ang produksyon ng local medicines upang magkaroon ng sapat na stockpile sa panahon ng emergency.
“Let’s maximize the local production. The initial reason why this came up is the supply problems that we encountered during the lockdowns so we need to be prepared. We should be able to produce the local supply of essential medicines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) healthcare sector group.
Inatasan ng Chief Executive ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na makipagtulungan sa pribadong sektor para tukuyin ang mga medisina na gagawin sa lokal na pagawaan.
“The Health department and FDA should also maximize the utilization of the capacity of local pharmaceutical manufacturers, particularly in the production of basic medications for poor Filipino patients such as anti-tuberculosis drugs,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Tututukan naman ng PSAC ang mga bagong teknolohiya sa healthcare na maaaring gamitin para sa geographically isolated at disadvantaged areas at irekomenda ang mga ito sa DOH at PhilHealth.
Pag-aaralan din nito ang feasibility ng pagtatatag ng remote diagnostics centers at pagsuri ng bagong medical technologies at halaga nito.
Itinulak din ng advisory council ang patuloy na digitalisasyon ng information systems ng FDA hanggang sa kanilang target completion sa Agosto ngayong taon.
“Once digitalized, other systems such as new chemical entity renewal, certificate of listing of the identical drug product (CLIDP), and post-marketing surveillance will follow,” dagdag nito.
Samantala, kabilang naman sa mga dumalo sa PSAC meeting sina Sabin Aboitiz, Strategic convenor president at CEO ng Aboitiz Equity Ventures Inc.; Paolo Maximo Borromeo, Healthcare lead president at CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc; Fr. Nicanor Austriaco Jr., Healthcare Sector Member, at Filipino-American molecular biologist; Dr. Nicanor Montoya, Healthcare Sector Member at CEO ng Medicard Philippines, Inc.; DOH officer in charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, at Commission on Higher Education chairperson Prospero de Vera III. Kris Jose
Gabriela sa ECOP: Sick leave ‘di sapat sa menstrual pain ng mga babae

March 30, 2023 @8:31 AM
Views: 8
MANILA, Philippines – Hindi sapat ang sick leave upang matutunan ang hirap at sakit na nararanasan buwan-buwan ng mga babaeng empleyado dulot ng menstruation o buwanang dalaw.
Ito ang sinabi ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas of Gabriela party-list nitong Miyerkules, Marso 29 bilang tugon niya kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis, na nagsabing ang panukalang buwanang menstrual leave ay sakop na ng umiiral na service incentive leave, maternity leave, solo parent leave, at leave para sa mga biktima ng karahasan, maging ang iba pang paid leaves.
“Sick leaves are inadequate to cover the health consequences of monthly menstrual-related symptoms that women workers experience,” giit ni Brosas.
“From our proposed wage increase to our recently filed menstrual leave, ECOP never fails to counter pro-worker measures in the name of maintaining super profits for big businesses,” dagdag pa niya.
“Ang matinding kinakaharap ng kababaihan ay ang mababang pasahod at kawalan ng benepisyo, hindi ang menstrual leave na tiyak na magiging malaking alwan para sa kanila,” pagpapatuloy nito.
Matatandaang inihain ni Brosas ang House Bill 7758 na naglalayong magbigay ng menstrual leave ng aabot sa dalawang araw kada buwan na may 100% daily remuneration sa lahat ng babaeng empleyado sa pribado at pampublikong sektor.
“Our House Bill 7758 seeks to provide women workers with a maximum of two days menstrual leave per month, which is far different from sick leaves, which are normally given only five days per year,” sinabi pa ni Brosas.
Pinuna niya rin ang sinabi ni Ortiz-Luis na mawawalan ng trabaho ang mga babae kung magiging batas ito, dahil mas pipiliin na ng mga employer na kumuha ng lalaking manggagawa.
“Gender preference and discrimination in the world of work should not be used as an excuse to deprive workers of reproductive health benefits,” aniya.
“In fact, the existence of such gender inequalities should push the government to monitor and improve the implementation of policies which prohibits gender discrimination in the workplace,” dagdag ni Brosas. RNT/JGC
Juday, hinangaan sa pagbusina sa ABS-CBN!

March 30, 2023 @8:30 AM
Views: 14
Manila, Philippines- Hindi mabubutasan si Judy Ann Santos sa pagtanggap ng serye sa labas ng ABS-CBN.
Bagama’t hindi pa ibinabahagi ni Juday kung anong serye ito, prodyus ang proyekto ng Reality Films.
Pero bago niya ito tanggapin ay bumusina raw muna siya kay Cory Vidanes, isa sa mga ehekutibo ng Kapamilya network.
For the record, kung hindi kami nagkakamali ay taong 2019 pa nag-expire ang kontrata ni Juday sa ABS-CBN.
Kung tutuusi’y malaya siyang lumipat sa alinmang network na magbibigay sa kanya ng trabaho.
But as far as she’s concerned, Juday felt the need to sound off her offer to Cory.
Katwiran niya, kung hindi raw siya nagpaalam ay, “Para ko namang pinindeho ang asawa ko!”
Dahil dito’y hinangaan ang aktres sa pagkakaroon ng kortesiya.
Minsan nang sinabi ni Juday na malaki ang tinatanaw niyang utang na loob sa nasabing network.
Sa ABS-CBN nagsimulang makilala ng katakter niya bilang Ula.
Sa nasabing istasyon na rin siya nagdalaga, nagkaroon ng kasintahan, ikinasal hanggang sa magkaanak.
In the absence naman of regular work ay may food business naman sila ng asawang si Ryan Agoncillo.
Iindahin nga ba niya ang kawalan ng show sa ABS-CBN? Ronnie Carrasco III
Bato tiwalang maipapasa ang panukalang reporma sa military pension

March 30, 2023 @8:18 AM
Views: 32
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kumpiyansa si Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Miyerkules, Marso 29, na maipapasa sa ika-19 na Kongreso ang panukalang magpapakilala sa bagong pension system para sa mga incoming military at uniformed personnel (MUP).
Ang pahayag na ito ni Dela Rosa ay kasunod ng sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na okay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang reporma sa pension system ng MUP kasabay ng babala nito na ang bigong pagtugon sa pensiyon ng retirees ay magdudulot ng “fiscal collapse.”
Inalala ng senador na ang mga repormang ito ay napapag-usapan na sa 18th Congress pa lamang, ngunit bigong maaprubahan ang panukala.
“Last administration pa ‘yan, panahon pa ni [former] President [Rodrigo] Duterte, tina-tackle na namin ‘yan sa Kongreso ‘yung paggawa ng measure na ‘yan to address ‘yung magiging fiscal deficit at magiging malaking problema ng gobyerno kung ‘di ‘to ma-address… So siguro this Congress, baka lulusot na ‘yan,” sinabi ni Dela Rosa sa panayam ng DZBB.
Dahil mayroon nang panukalang naglalayong magkaroon ng bagong pension system para sa MUP na inihain sa Senado, sinabi ng senador na dapat na itong pag-usapan sa committee level upang maipasa agad-agad.
“Napakalaki talaga [ng budget for pension]. Dapat ang malaki dapat d’yan ‘yung capital outlay at MOOE (maintenance and other operating expenses) para maganda ang performance ng ating ahensya,” ani Dela Rosa.
Naniniwala naman siya na ang bagong sistema ay hindi magdudulot ng demoralization sa hanay ng military at uniformed personnel dahil ito ay para lamang sa mga bagong papasok.
“Hindi po maapektuhan ‘yung mga ongoing ngayon na mga retirado kasi kapag ihihinto ‘yan right away, immediately, magiging abrupt ‘yung changes, hindi po matanggap ‘yan ng mga retirado kasi yung kanilang mindset ay nakaset na sa prevailing na sitwasyon,” sinabi pa ni Dela Rosa.
Samantala, sinegundahan ito ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at sinabing ang reporma ay “long overdue” na.
“I shall await the ‘version’ of this [administration] and examine their approach to the problem,” ani Pimentel.
Hinimok naman ni Senador Francis Tolentino ang pamahalaan na silipin na rin ang posibleng reporma sa iba pang pension systems katulad ng Social Security System.
“Dapat siguro dito isang aral na lang how we can surmount these threats as to the stability of our pension system,” pahayag ni Tolentino sa isang online media briefing.
Samantala, sinabi naman ni dating AFP Chief of Staff at dating Senator Rodolfo Biazon na dapat mahigpit na pag-aralan ng pamahalaan ang bagong pension system para sa military men at iba pang uniformed personnel.
“Okay [ito] pero dapat pag-aralan ng mabuti ano ang hangganan kung gaano kataas [ang contribution]… kasi ang pension, hindi lang ang sundalo ang nakataya d’yan, ang nakataya d’yan yung pamilya n’ya. Kaya medyo ingat nang kaunti. Kung ano ang tama siguro pag-aralan,” aniya. RNT/JGC
MILF nangako ng patuloy na pagsunod sa peace deal

March 30, 2023 @8:05 AM
Views: 19