Oil price hike, LPG rollback sasalubong sa 2022

Oil price hike, LPG rollback sasalubong sa 2022

January 2, 2022 @ 9:36 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Magkakaroon ng big time oil price hike sa unang linggo ng 2022.

Maglalaro sa P1.90 hanggang P2 ang itataas ng presyo ng gasolina, P2.20 hanggang P2.30 kada litro ng diesel, at P1.80 hanggang P1.90 naman sa kerosene.

  • Gasolina- P1.90-P2.00

  • Diesel- 2.20-P2.30

  • Kerosene- P1.80-P1.90

Base sa mga mga taga-industriya, tumaas ang demand sa petrolyo noong nakaraang linggo sa kabila ng pagkalat ng omicron variant.

Isa pa umanong dahilan ang paghina ng palitan ng piso kontra dolyar kaya ang resulta, big time increase sa petrolyo.

Subalit ang magandang balita, may rollback naman sa presyo ng LPG simula ngayong araw.

Nasa P2.55 sa kada kilo ng isang tangke ang bawas-presyo ng Solane,
Petron Gasul at Phoenix Super LPG. RNT/SA