Oil price hike na naman

Oil price hike na naman

January 11, 2021 @ 12:00 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong ikalawang Linggo ng Enero 2021.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Seaoil at Petro Gazz ang dagdag presyo na P0.85 sa kada litro ng gasolina, P0.30 sa kada litro ng diesel at P0.25 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na maglabas ng abiso hinggil sa kanilang dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipatutupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na nito lamang unang Linggo ng Enero 2021 ay ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.45 sa kada litro ng gasolina, P0.30 sa kada litro ng diesel at P0.40 sa kada litro naman ng kerosene.  Jay Reyes