Oil price hike na naman

Oil price hike na naman

July 30, 2018 @ 2:34 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Matapos ang katiting na rollback sa mga produktong petrolyo nito lamang nakaraang linggo, nagpatupad naman ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong araw.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell at Seaoil ang pagpapalabas ng abiso hinggil sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo na P1.15 kada litro sa gasolina, P0.95 kada litro sa diesel at P0.85 kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ngayong umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa tulad ng PTT Philippines, Eastern Petroleum, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, at Total sa pagpapatupad ng dagdag presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. (Jay Reyes)