Oil price hike, nakaamba sa ika-9 na pagkakataon

Oil price hike, nakaamba sa ika-9 na pagkakataon

October 6, 2018 @ 2:45 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Isa na namang nakaambang pagtataas sa mga produktong petrolyo ang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Ito ay ang ika-siyam na pagkakataon na big time oil price hike.

Base sa impormasyon na ibinigay ng Department of Energy (DOE), aabot sa P1.50 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel, P0.90 bawat litro sa gasolina habang piso naman ang idadagdag sa kerosene.

Tulad ng kanilang paliwanag sa mga nagdaang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ang nagbabadyang malaking dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Samantala, inianunsyo naman ng ilang mga transport group na nagbabalak na silang magsagawa ng tigil-pasada sa susunod na linggo dahil sa sunud-sunod na pagtataas ng mga presyo ng mga langis.

Nauna nang inihayag ni Fejodap President Zeny Maranan na kanilang isasapinal ang petsa kung kailan nila  gagawin ang transport hike dahil sa walang humpay na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo. /Beth Dominguez