Oil price hike walang-puknat sa ika-9 na linggo

Oil price hike walang-puknat sa ika-9 na linggo

February 26, 2022 @ 3:50 PM 4 months ago


MANILA, Philippiens – Asahan na muli ang pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo na ipatutupad ngayong linggo ng mga kompanya ng langis sa bansa.

Ito na ang ika-siyam na linggong sunod na oil price hike simula nang pumasok ang taon 2022 kung saan inaasahang tataas ng nasa P0.90 hanggang P1.00 sa kada litro ng gasolina, P0.70 hanggang P0.80 sa kada litro ng diesel at kerosene.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupd ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.80 sa kada litro ng gasolina, P0.65 sa kada litro ng diesel habang nasa P0.45 naman sa kada litro ng kerosene.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kompanya ng langis tuwing Lunes para ipatupad sa susunod na araw. JAY Reyes