Oil price rollback, asahan sa sunod na linggo – Unioil

Oil price rollback, asahan sa sunod na linggo – Unioil

January 8, 2023 @ 11:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng oil industry player Unioil Petroleum Philippines Inc. nitong Sabado na inaasahang ibabalik ang presyo ng gasolina sa linggo ng Enero 10-16, 2023.

Inaasahan ng Unioil na bababa ang presyo ng diesel ng P2.40 hanggang P2.60 kada litro, habang P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang ibababa ng presyo ng gasolina.

Nauna nang tinantya ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau na ang presyo ng diesel at kerosene ay bababa ng mahigit P1.50 kada litro, habang ang pagbaba sa gasolina ay hindi hihigit sa P0.50 kada litro.

Gayundin, sinabi ng source ng oil industry sa na ang presyo ng diesel ay bababa ng P2.10 hanggang P2.40 kada litro, habang ang gasolina ay bababa ng P0.20 hanggang P0.50 kada litro.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes, na ipapatupad sa susunod na araw. RNT/SA