Oil price rollback asahan sa sunod na linggo

Oil price rollback asahan sa sunod na linggo

August 12, 2022 @ 7:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Good news para sa mga motorista dahil isa nanamang round ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang inaasahang sa susunod na linggo.

Kinumpirma ni Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero na batay sa huling apat na araw (Agosto 8 hanggang 11) na kalakalan sa petrolyo ay maaaring magkaroon ng inaasahang rollback ng presyo sa mga produktong petrolyo.

Base sa oil trading, sinabi ng source ng industriya ng langis na maaaring bumaba ng P1.80 hanggang P2.00 ang presyo kada litro ng diesel habang posibleng nasa P0.30 at P0.60 kada litro naman ang ibaba sa presyo ng kerosene.

Ang mga kumpanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsyo ng pagsasaayos ng presyo tuwing Lunes, na ipatutupad sa tuwing Martes.

Nitong nakaraang Martes, Agosto 9, nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis ng P2.10 kada litro sa langis, P2.20 kada litro sa diesel, na nagdala sa year-to-date adjustments na tumaas sa netong pagtaas ng P17.55 kada litro para sa gasolina at P30.15 kada litro para sa diesel. RNT