Oil price rollback, asahan sa susunod na linggo!

Oil price rollback, asahan sa susunod na linggo!

March 17, 2023 @ 4:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahan ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pinakahuling oil trading sa nakalipas na apat na araw o mula Marso 13 hanggang 16, ayon sa oil industry source ay posibleng bumaba ang presyo ng diesel sa P1.70 hanggang P1.90 kada litro.

Samantala, ang presyo ng gasolina ay bababa rin ng P1.00 hanggang P1.20 kada litro.

Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo tuwing Lunes at ipinatutupad naman sa kasunod na araw. RNT/JGC