Oil price rollback, posible sa susunod na linggo – DOE

Oil price rollback, posible sa susunod na linggo – DOE

March 31, 2022 @ 7:04 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng magkaroon ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa isang panayam sa radio, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) director Rino Abad na bumaba ang presyuhan ng krudo sa world market sa nagdaang tatlong araw.

Aniya, kung magtutuloy-tuloy ito hanggang sa Biyernes, Abril 1, ay may pag-asang magkaroon ng rollback sa susunod na linggo.

“Hindi muna ako magsasabi ng figure pero malaki ang indikasyon na talagang may rollback as far as three trading days are concerned,” ani Abad.

Ayon kay Abad, ang pagbaba sa presyo ng langis sa pandaigdigang mercado ay maaaring resulta ng peacetalks na nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Gayunman, may mga ulat na nagkakaproblema pa rin sa negosasyon ng dalawang bansa ay nangangamba ang DOE na maudlot ang posibleng tapyas-presyo. RNT/ JCM