Oil price rollback posible sa susunod na linggo

Oil price rollback posible sa susunod na linggo

September 10, 2022 @ 1:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magandang balita ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.

Ito ay makaraang ihayag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad sa panayam ng GMA News ang posibilidad ng rollback o bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa indicative price ng mga produktong petrolyo, posible ang P0.64 kada litro na bawas sa gasolina, P1.52 kada litro na bawas sa diesel at P1.92 kada litro sa kerosene.

Sa kabila nito, nananatiling mataas ang year-to-date increase sa mga produktong petrolyo ngayong taon. RNT/JGC