Oil price rollback!

Oil price rollback!

April 5, 2022 @ 6:35 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Magpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong Martes, Abril 5, 2022.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum ang bawas presyo na P2.30 sa kada litro ng gasolina, P1.85 kada litro ng gasolina, at P8.55 kada litro naman sa kerosene epektibo alas-6 ng umaga.

Nagpatupad din ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipinatupad alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay magiging epektibo alas-8:01 ng umaga.

Ang isinagawang malakihang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes