4 tulak arestado sa hiwalay na buy-bust ops sa QC

March 23, 2023 @6:14 PM
Views: 9
MANILA, Philippines- Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na tulak ng shabu matapos na kumagat sa magkahiwalay na buy-bust operation sa nasabing lungsod.
Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang unang nadakip na sina Hafida Ditanungan, 39-anyos, nakalista bilang No. 5 District Level Drug Personality Priority Target, residente ng Brgy. Silangan Cubao, Q.C. at Lyndon Jake Fortuno, 32, ng Project 8, Q.C.
Ayon kay District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PMAJ Hector Ortencio, dakong ala-1:50 ng hapon (March 22) nang magsagawa ng drug operation sa Room 8201 ng Glory Hotel sa kahabaan ng Ermin Garcia St., Brgy. Silangan, Cubao, Q.C.
Ang mga suspek ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng DDEU na pinangunahan ni assistant chief PMAJ Wennie Ann A Cale at PCPT Roland A Vergara ng Cubao Police Station (PS 7).
Nakumpiska mula sa dalawa ang 40 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P272,000, dalawang cellular phones itim na belt bag, brown coin purse, weighing scale gayundin ang buy-bust money.
Samantala bandang alas-5:30 ng umaga (March 23) nang madakip naman ng DDEU sina Raymond Silvestre at Michael John Perez sa harapan ng 103 Area 2 Bicol Area, Brgy. Holy Spirit, Q.C.
Narekober mula sa mga suspek ang 10 grams ng shabu na may halagang P68,000, itim na coin purse at buy-bust money.
Nakapiit na ang apat na kapwa nahaharap sa paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jan Sinocruz
DepEd tatanggap ng 9,650 guro ngayong 2023

March 23, 2023 @6:12 PM
Views: 10
MANILA, Philippines- Halos 9,650 bagong guro ang inaasahang tatanggapin ng Department of Education (DepEd) ngayong taon, ayon sa tagapagsalita nito ngayong Huwebes.
“Ayon sa ating pag-uusap with our HR, ang target talaga natin, kasi meron tayong teacher items… we are targeting to hire around 9,650 ‘yung target natin for this year. Of course, subject to the normal application process dahil civil servants po ang ating mga teachers,” pahayag ni DepEd spokesperson Michael Poa.
Kabilang sa mga hamon na kinakaharap ng DepEd sa kasalukuyang academic year ang kakulangan ng mga guro, bukod sa kakulangan ng school infrastructure at furniture.
Noong 2022, tumanggap ang DepEd ng 11,580 guro, habang lumikha ng 5,000 administrative officer positions sa pagsisikap na ibsan ang bigat ng administrative duties ng mga guro. RNT/SA
7 suspek sa pagpatay sa Cebu maritime student, kinasuhan

March 23, 2023 @6:00 PM
Views: 10
MANILA, Philippines- Kinasuhan na ng mga pulis ang pitong suspek sa umano’y hazing death ng isang University of Cebu maritime student noong Disyembre.
Sinabi ni Cebu City police chief P/Col. Ireneo Dalogdog na sinampahan ng kasong homicide at paglabag sa Republic Act 11053 or the Anti-Hazing Law ang pitong indibidwal.
Kabilang sa pitong miyembroo ng Tau Gamma Phi fraternity ang Grand Triskelion, Deputy Grand Triskelion, master initiator, isang resident member, recruiter at may-ari ng lugar na pinagyarihan ng initiation.
“They will be issued an order from the prosecution to answer the case and when it is received, the prosecution will determine if there is probable cause to raise the complaint to court,” paliwanag ni Cebu City Police Office Spokesperson P/LtCol. Theresa Macatangay.
Sumailalim ang biktimang si Ronnel Baguio, estudyante ng University of Cebu-Maritime Education Training Center sahazing rites noong Disyembre na pumanaw makalipas ang isang linggo.
Batay sa kanyang death certificate, namatay si Bagui dahil sa severe acute respiratory distress syndrome secondary to indirect lung Injury, acute kidney Injury secondary to rhabdmyolosis, at acute kidney injury secondary to rhabdomyolosis.
Baguio’s death came months before the alleged hazing death of Adamson student John Matthew Salilig after attending initiation rites of Tau Gamma Phi Fraternity-Adamson Chapter.
Inihayag ng mga awtoridad na malakas ang ebidensyang hawak nila laban sa mga suspek sa pagkamatay ni Baguio.
“We are confident in the investigation that the case prepared is competent, along with the evidence presented,” dagdag ni Macatangay.
Hiniling ng Public Attorney’s Office in Region 7 na huwag pangalanan ang mga suspek para hindi makahadlang sa imbestigasyon.
Dumalo ang ina ni Baguio na si Leny sa paghahain ng kaso.
“Naihingi ko na po sila ng tawad sa Panginoon pero hindi ibig sabihin nun ay hindi po sila mananagot sa batas kung ano po yung batas bilang po nakasaad sa hazing law yun po ang dapat nilang harapin. Para sa anak ko gagawin ko ang lahat and hindi po ito hadlang na magkaroon ng hustisya ang anak ko,” aniya. RNT/SA
DPOS na nagmamando ng trapiko tinumbok ng trak, utas!

March 23, 2023 @5:48 PM
Views: 25
MANILA, Philippines- Patay ang isang traffic enforcer matapos tumbukin ng trailer truck at magulungan habang nasa kasagsagan ng pagmamando ng trapiko kahapon sa lungsod ng Quezon.
Kinilala ni Traffic Sector 1 commander CAPT Napoleon Cabigon ang biktima na si Jeffrey Antolin, 35-anyos, miyembro ng Department of Order and Safety (DPOS), residente ng No. 9 Tinagan St. Barangay San Jose Q.C.
Kinilala naman ang suspek na si Joel Dimacali, 47, nakatira sa 921 Asuncion St Tondo Manila, drayber ng Isuzu Tractor Head na may plakang AAQ-7032 na nakarehistro sa Cyrus Logistics Incorporated na matatagpuan
sa 2108 Centara Hotel Manila Del Pilar Brgy 430 Malate Manila.
Ayon kay PSSG Jayson Gutierrez, may hawak ng kaso, dakong alas-5:30 ng hapon (March 22) nang maganap ang insidente sa kahabaan ng A Bonifacio avenue sa harap ng Cloveleaf Ayala Mall Brgy Balingasa Q.C.
Lumalabas na habang nagpapatawid ng mga tao sa pedestrian lane si Antolin ay hindi naman huminto ang trak sanhi upang siya ay mabangga at magulungan.
Sinasabi na nagawa pang mailigtas ng biktima ang isang siklista na papatawid sa lugar.
Mabilis naman na isinugod ng Barangay Balingasa ambulance si Antolin sa MCU hospital subalit bandang alas-6:34 ng gabi nang ideklara ni Dr. Tennesse Estrada na binawian na ng buhay ang biktima.
Nakapiit na si Dimacali na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide sa Quezon City Office of the Prosecutor. Jan Sinocruz
DOH dumepensa sa 9 suspendidong opisyal

March 23, 2023 @5:34 PM
Views: 18
MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes ang integridad ng siyam sa mga opisyal nito na pinatawan ng anim na buwang suspensiyon ng Office of the Ombudsman matapos masangkot sa umano’y maanomalyang pagbili ng COVID-19 supplies noong 2020 at 2021.
Bagama’t iginagalang nito ang desisyon ng Ombudsman, naninindigan ang DOH na ang mga opisyal ay “nagsagawa ng makabuluhang papel” sa pagtugon sa pandemya.
Ang naturang mga opisyal ayon sa DOH ay dekada nang nasa ahensya at kinikilala ang kanilang serbisyo at sakripisyo na pangako sa mga Filipino.
“Bagama’t nangangako kaming sumunod sa relihiyon sa lahat ng mga pamamaraan, tinitiyak ng DOH ang integridad ng mga opisyal na ito, na may mahalagang papel sa pagtugon sa COVID-19 ng bansa,” sabi ng ahensya.
Sa pahayag pa ng DOH, habang sila ay nangangako na sumusunod sa lahat ng pamamaraan, tinitiyak nito na ang integridad ng mga opisyal nito sa pagtugon sa COVID-19 ng bansa.
Kinilala ang mga opisyal ng DOH na sinuspinde na sina Nestor Santiago, Jr., Crispinita Valdez, Amado Tandoc, Lei Lanna Dancel, Dave Tangcalagan, Jhobert Bernal, Kenneth Aristotle Punzalan, Rose Marasigan, at Maria Carmela Reyes.
Kasama rin ang 24 iba pa mula sa Department of Budget and Management – Procurement Service (PS-DBM), kabilang si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong at dating DBM Undersecretary Lloyd Christopher Lao.