Oil tanker na may kargang P50.8M unmarked fuel, naharang ng Navy

Oil tanker na may kargang P50.8M unmarked fuel, naharang ng Navy

February 16, 2023 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Navy (PN) na isa sa dalawang bagong missile boats nito, ang BRP Lolinato To-Ong (PG-902), ay naharang ang isang oil tanker na mayroong halos P50.8 milyong halaga ng unmarked diesel fuel sa operasyon sa Corregidor Island.

Sa ulat nitong Huwebes, tinukoy ng PN’s Naval Forces Southern Luzon (NFSL) ang naharang na tanker na M/T Braleman 1 na may sakay na 11 crew members at may kargang 847,000 litro ng diesel.

Sinabi ni NFSL spokesperson Lt. Regeil G. Gatarin na naharang ang barko dakong alas-6 ng hapon nitong Miyerkules, 8.8 nautical miles southwest ng Corregidor Island.

“Before the interception, on February 14, 2023, NFSL received information regarding an apprehension alarm issued by Coastguard District Palawan dated February 12, 2023 on the said vessel. Furthermore, NFSL tracked M/T Braleman 1 in the vicinity of Cabra Island, Mindoro as it moved towards Manila Bay until intercepted by BRP Lolinato To-Ong,” dagdag niya.

Dahil dito, agad na idineploy ng NFSL’s Naval Task Force 31 ang BRP Lolinato To-Ong, na nakadaong sa Lucena Port sa Lucena City, Quezon.

“Prior to the conduct of the interception and apprehension operations, BRP Lolinato To-Ong embarked five customs officers from the Bureau of Customs at Batangas Port to serve a seizure and detention warrant on the aforementioned vessel,” pahayag ni Gatarin.

Idinagdag niya na patuloy na tutulong ang PN sa sa pamahalaan sa kampanya nito kontra fuel smuggling.

Ang BRP Lolinato To-Ong ang ikalawang barko ng bagong Acero-class fast attack interdiction craft-missiles (FAIC-Ms) patrol gunboats ng PN na binili mula sa Israel at kinomisyon noong Nov. 28, 2022 at isinailalim sa operational control ng Naval Forces Southern Luzon.

Pito pang FAIC-Ms ang inaasahang papasok sa PN service sa susunod na dalawang taon.

Patungo na ang M/T Braleman 1 sa Manila Bay kung saan ang mga awtoridad na ang aaksyon dito. RNT/SA