OLD QUIAPO, NOTORIOUS DIVISORIA MULI, ANYARE?

OLD QUIAPO, NOTORIOUS DIVISORIA MULI, ANYARE?

October 25, 2022 @ 4:09 PM 1 month ago


FRANKLY speaking, nami-miss ko si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, specially ang kanyang karakarakang ‘unannounced’ na biglaang pag- ikot sa mga kalye ng Maynila na walang pinipiling oras, kahit sa delikadong madaling araw.

Si Yorme Isko lamang, wala nang iba pang naging “ama ng lungsod” ang lumapag sa mga kalsada para personal na alamin ang mga problena, tulad ng mga paligid ng noo’y magulong lugar ng Quiapo at Divisoria.

Kapag Quiapo at Divisoria ang nababanggit, ang kaagad na papasok sa isipan ay ang paghahari ng libong bilang na mga illegal vendor na nakakalat sa paligid na nagiging dahilan ng araw-araw na matinding pagsisikip ng trapiko sa lugar.

Maraming mayors ang dumaan pero walang nagawa maliban kay Isko na ang naisakatuparang paglilinis sa dalawang napakagulong lugar na ito ng Maynila ay maitururing na “legacy project” – malaking achievenent ng kanyang liderato.

Sa mismong bibig ni Isko, tinanggihan ang daang milyon na maari pang abutin ng bilyong halagang suhol, maiayos lamang ang Quiapo at Divisoria na sa napakatagal na panahon ay mistulang ‘war zone’ dahil sa maling pamamalakad ng nakaraang mga pamunuan.

Inamin ni Isko na tempting ang napakalaking offer na suhol, pero mamayani sa kanya, aniya, ang willingness at panawagan na iayos ang dalawang lugar. ” Kapag nakita nyo na nagbalik ang mga vendor, ibig sabihin ay nasuhulan, tumanggap na ako,” ayon pa kay isko.

Pero kung papasyal ngayon si Isko sa maynila, tiyak na ito’y malulungkot at magagalit dahil ang nilinis at inayos na Quiapo at Divisoria ay naging old Quiapo at notorious Divisoria na muli – ang mga kalye ay punong puno ng paninda dahil pinaghajarian na naman ng illegal vendors.

Sa muling pagbabik ng libo- libong illegal vendors sa dalawang lugar na ito ng Maynila ay siguradong babalik din ang isyu nina Eddie at Patty na isiniwalat noon ng dating alkalde.

Pero dahil wala na sa poder si Yorme, ang bola ay tangan na ni Mayor Honey Lacuna kung paano muling lilinisin at aayusin ang Quiapo at Divisoria.