‘Oldest political prisoner’ sa Pinas, palayain na – human rights group

‘Oldest political prisoner’ sa Pinas, palayain na – human rights group

January 20, 2023 @ 3:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Umapela ang human rights group na palayain na ang 83-anyos na preso, na inilarawan bilang oldest political detainee sa bansa, at kinuwestiyon ang kakulangan ng political inmates na pinalaya ng pamahalaan sa target nitong pagpapaluwag sa mga kulungan.

Inihayag ng organisasyon na Kapatid nitong Huwebes na sumulat ito sa Bureau of Customs, Department of Justice, Supreme Court, at sa Commission on Human Rights para pabilisin ang pagpapalaya kay Gerardo Valencia Dela Peña mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa humanitarian considerations sa kanyang edad at “deteriorating health.”

Isang magsasaka mula Camarines Norte, si Dela Peña ang pinakamatanda sa 824 political prisoners sa buong bansa at halos isang dekada nang nakakulong, ayon sa grupo.

Ikinulong siya noong siya ay 74-anyos, at iginiit na si Dela Peña ay “scapegoat for a killing the NPA (New People’s Army) had claimed responsibility for,” ayon sa Kapatid.

“Subhuman conditions have aggravated his high blood pressure and created new ailments,” saad pa sa pahayag ng grupo.

“In 2019, he reported coughing up phlegm streaked with blood. He is also long overdue for a cataract operation,” dagdag nito.

Inilahad din ng Kapatid na naninirahan ang pamilya ni Dela Peña sa Camarines Norte at hindi regular na makabisita dahil sa financial constraints.

Anito, inihayag ng preso na, “Masasakitin na ako. Matanda na. Sa ilang panahon na ako’y may buhay pa, makapiling ko sana ang pamilya ko.”

Sinabi ng tagapagsalita ng grupo na si Fides Lim, na isinusumite nila ang pangalan ni Dela Peña sa Justice department kada taon mula 2019 para sa humanitarian release.

“But no political prisoner has been included in any of the trumpeted government releases of elderly PDLs (persons deprived of liberty),” giit ni Lim.

“Despite Kapatid’s incessant appeals, 75-year-old NBP political prisoner Jesus Alegre succumbed in June 2021 to chronic illness after 16 years behind bars,” dagdag niya. RNT/SA