Olivia Rodrigo, nakasungkit ng 2 Grammys, sweetness overload pa kay BTS’ Taehyung!

Olivia Rodrigo, nakasungkit ng 2 Grammys, sweetness overload pa kay BTS’ Taehyung!

April 4, 2022 @ 1:45 PM 3 months ago


Las Vegas, Nevada – Nag-uwi ng dalawang Grammys ang Filipino-American 19-year old singer-songwriter Olivia Rodrigo for Best Pop Solo Performance para sa kanyang hit song na Driver’s License, pati na rin ang Best New Artist award. Dahil dito ay isa nang 2-time Grammy Award winning ang talented pop star.

Sa nasabing ceremony na ginanap sa MGM Grand sa Las Vegas, nagpakitang gilas rin si Olivia with a stunning performance of Driver’s License while wearing a white dress, black fishnets and Doc Martens.

Tunay ngang big winner si Olivia sa gabing ito ng Grammys dahil maliban pa sa 2 awards na iniuwi niya ay may special appearance pa ito sa performance of the biggest group in the world, BTS.

Sa simula ng performance of the group with their song Butter ay makikita si Olivia na sweet na sweet na nakikipagbulungan with BTS member Taehyung habang nakaupo sa audience. Dahil dito ay trending agad si Olivia with over 700k tweets.

Matatandaan na Olivia released her debut album in May 2021 and ever since then ay sunod sunod na ang success nito. Recently lamang ay nag-release din ng documentary ang singer-songwriter entitled “Olivia Rodrigo: Driving Home 2 U” na mapapanood na sa streaming platform na Disney +.

Congratulations, Olivia! Paula Jonabelle Ignacio