Olivia Rodrigo pinatawag ng White House

Olivia Rodrigo pinatawag ng White House

July 17, 2021 @ 10:22 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

US – Masayang pinaunlakan ang pagpapatawag ng Filipino American singer na si Olivia Rodrigo sa kanya ng White house nito lamang huwebes, Hulyo 15.

Inimbitahan ang nasabing singer upang magsalita sa kahalagahan ng bakuna lalong lalo na sa mga kabataan.

Kasama sa isinagawang pagpupulong sina President Joe Biden at sina Dr. Anthony Fauci at Vice President Kamala Harris upang mahikayat ang mamamayan ng Amerika na huwag matakot sa bakuna.

Sa isang post sa Twitter ng singer ibinahagi nya ang kanyang larawan kasama ang Presidente.

“Had the honor of speaking with @POTUS today about the importance of young people getting vaccinated! check out https://t.co/r4TnB8gx3b to learn more about vaccines and to find a vaccination center near you! it’s easy, free, and so important!!!” lahad nito sa kanyang caption.

Si Olivia ay nakilala noon ng napabilang siya sa isang Disney series high school musical at gumanap bilang si Nini Salazar-Roberts. 

Ang singer sumikat rin dahil sa galing nitong sumulat ng kanta.

Enero nito lamang taon ng ilabas niya ang bago niyang kantang “Drivers license” na nasundan ng bago niyang album na “Sour” noong Mayo at “De javu at Good 4 u”

Lubos naman ang pagpapasalamat ng pamahalaan ng Amerika kay Olivia sa pagpayag nitong magsalita para sa bakuna. RNT/Ten Fernandez-trainee


  •  
  •  
  •