Olympian boxer Nesthy Petecio, engaged na

Olympian boxer Nesthy Petecio, engaged na

November 21, 2022 @ 1:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines -Engaged na ang Filipino Olympic silver medalist at boxer na si Nesthy Petecio.

Ipinost ni Petecio ang magandang balita ng engagement nila ng partner na si Riza Geneblaza noong Sabado.

“Sorry kung di masyadong romantic ‘yung proposal ko sa’yo, wala akong makukunchaba gawin ‘yung plan ko kasi di ka pwede umuwi sa Davao,” ani Petecio sa kanyang Facebook account.

 Kamakailan ay nasungkit ni Petecio ang bronze medal sa 2022 ASBC Asian Elite Men & Women Boxing.JC