Olympian champ todas sa aksidente

Olympian champ todas sa aksidente

January 13, 2022 @ 10:15 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Namatay sa isang malagim na aksidente si Olympic at world championship medalist mula sa Trindidad and Tobago sa Caribbean na si Deon Leondore sa edad 29.

Ayon sa ulat ng Texa A&M University, kung saan nagtatrabaho ito bilang volunteer assistant coach sa loob ng dalawang season, papauwi na ang atleta mula sa ensayo nang maaksidente ang sinasakyan nitong kotse sa isang pang sasakyan.

Matinding pinsala umano ang inabot ng atleta na naging sanhi ng kamatayan nito.

Matatandaang lumahok ng tatlong Olympic Games si Lendore at sumabak sa anchor leg ng men’s 4x400m relay final ng 2012 London Olympic at nagwagi ng bronze medal.

Nakasungkit ito ng silver medal noong 2015 World Championship sa Beijing bago makuha ang individual bronze medals sa 400m sa 2016 at 2018 World Indoor Championships.JC