Olympic-bound pole vaulter Obiena naka-gold sa Germany

Olympic-bound pole vaulter Obiena naka-gold sa Germany

June 12, 2021 @ 9:35 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Gumawa ng bagong Philippine outdoor record si Tokyo Olympic bound pole vaulter EJ Obiena na 5.85 meters upang masungkit ang gold medal sa Jump and Fly tournament sa Mossingen, Germany.

Binasag ni Obiena ang dating best record nito na 5.81m na nagawa niya noong 2019 sa Chiara, Italy na naging susi para maging unang Filipino athletes ito na maka-qualify sa Tokyo Olympics.

Nakuha naman nina Germans Zernikel Oleg ang silver medal matapos lundagin ang 5.7 meters at bronze naman sina Kass Philip at Human Tom Linus na kapwa lumusot sa 5.4 meter.

Bukod kay Obiena, siyam pang Pinoy ang lalahok sa Tokyo Olympic.

Ito ay sina world gymnastics champion Caloy Yulo, boxers Eumir Marcial, Carlo Paalam, Irish Magno, at world champion Nesthy Petecio, 2016 Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Chris Nievares at skateboarder Margielyn Didal. Rico Navarro