Olympic-bound Yulo tumanggap ng bala

Olympic-bound Yulo tumanggap ng bala

August 6, 2020 @ 10:20 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ni Olympic-bound Filipino gymnast Carlos Edriel Yulo na nakatanggap ito ng dagdag pondo o balang gagamitin nito para sa patuloy na paghahanda sa pagsabak nito sa 2021 Tokyo Olympics.

Inanunsyo ng MVP Sports Foundation (MVPSF) na pinagkalooban nila ng P800,000 si Yulo sa pamamagitan ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP).

Magagamit umano ni Yulo ang dagdag pondo sa renta, academic schooling at suporta sa koponan na binubuo ng physiotherapist, nutritionist at sports psychologist.

Umaasa ang foundation na dahil sa tulong na binigay nila ay makapagpo-focus si Yulo sa kanyang preparasyon para sa Tokyo Olympics na nakatakda sa July 23 hanggang August 8 sa susunod na taon.

“The MVPSF wants to make sure that our athletes still get the best training possible, even as we face the current COVID-19 pandemic,” ani MVPSF president Al Panlilio.

“Aside from the financial relief from the additional finding, we’re hopeful that this also puts Caloy’s mind at ease, because we want to show him that we’re behind him all the way,” dagdag pa nito.

“His sole focus should be on his quest to win an Olympic medal, and we’ll do our best to take care of the rest.”

Isa si Yulo, 20, sa apat na Filipinos na nakapasok sa 2021 Olympics kasama sina pole-vaulter EJ Obiena at boxers Irish Magno at Eumir Felix Marcial.

Nakakuha ito ng tiket sa Summer Games matapos umabanse sa final round ng men’s all-around sa 2019 World Championships sa Stuttgart. Sa event, nagwagi si Yulo ng gold sa men’s floor exercise upang maging unang Pinoy na nagkampeon sa world gymnast.

Ipinakita rin Yulo ang kanyang talent at skills noong 2019 Southeast Asian Games kung saan nasungkit nito ang gold medal sa floor exercise at all-around, habang silver naman sa pommel horse, still rings, vault, parallel bars at horizontal bars.

Nag-eensayo si Yulo sa Japan simula pa noong 2016 sa ilalim ng pangangalaga ni coach Munehiro Kugimiya. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...