Olympic nanganganib makansela; publiko nagalit sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Olympic nanganganib makansela; publiko nagalit sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

July 22, 2021 @ 10:36 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nanganganib na makansela ang Tokyo Olympics dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 mismo sa loob ng athletes’ village.

Ayon sa Tokyo 2020 organizing committee, binanbantayan nila ng husto ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.

Sinabi ni Toshiro Muto, Tokyo 2020 chief, na maglulunsad sila ng pagpupulong kung kinakailangan kapag patuloy pa rin ang hawahan ng virus.

Ayon sa ulat, mahigit 70 na ang dinadapuan ng virus bago ang pormal na pagbubukas ng Summer Games.

Taliwas naman ito sa sinabi ni International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach na hindi nila iniisip ngayon ang kanselasyon ng nasabing torneo.

Sinabi ng insider, tumindi na ang galit ng mga Hapon sa kanilang leader dahil sa umano’y itinuloy ng Olympics sa kabila ng malawakang pagtutol na nagresulta ng pagpasok ng virus sa kanilang bansa.Rico Navarro


  •  
  •  
  •