Olympic qualification target ng ABAP sa Asiad

Olympic qualification target ng ABAP sa Asiad

September 28, 2022 @ 4:33 AM 2 months ago


MANILA, Philippines –Siniguro ng Association of Boxing Alliances in the Philippines na magiging mataas na motibasyon ng mga pambansang boksingero ang sa pagsabak sa Asian Games sa susunod na taon sa Hangzhou, China.

Isiniwalat ng ABAP na ang Asiad ay isa na ngayong qualifying event para sa 2024 Summer Olympics sa Paris kasunod ng desisyon na ginawa ng International Olympic Committee (IOC).

“At the end of the day, talagang pinaghahandaan mo ang mga tournament na ito, and you’re really aiming to qualify through tournaments. And obviously, we’re going to prepare for the Asian Games, so now it’s like hit two birds in one stone. ,” ayon kay  ABAP executive director Marcus Jarwin Manalo.

“You perform well in the Asian Games, and get the chance to also qualify in the Olympics. So I think it’s going to be better for us,” dagdag pa nito.

Pinasimple ng IOC kamakailan ang boxing qualification sa Paris Games sa pamamagitan ng pagdedeklara ng regional multi-sports events bilang Olympic qualifiers gaya ng Asiad, European Games, Pan-American Games, Pacific Games, at mga katulad na tournament sa Africa.

Dalawa pang world qualifier ang gaganapin sa 2024 na pangasiwaan din ng IOC habang ang AIBA (International Boxing Association) ay nananatiling sinuspinde ng Olympic body dahil sa mga isyu sa pamumuno at kredibilidad.

Sa ngayon, wala pang guidelines na ginawa kung ilang Olympic slots ang nakataya sa mga continental event.

“Sa ngayon, walang specific guidelines kung ilang slots ang makukuha sa Asian Games,” ani Manalo. “It’s really a big challenge, but we’re up on it. We’re just going to focus on what we can control. And obviously, we need to take care of our preparations.”

Nakatakda ang Asiad sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 sa susunod na taon.

Ang boxing team, na kasalukuyang nagsasanay sa Baguio, ay magkakaroon ng kanilang inisyal na paghahanda at pagsasanay para sa Olympic qualifier kapag nangampanya ito sa Asian Boxing Championships na itinakda sa Amman, Jordan mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 13.

Sa tatlong linggo, ang koponan ay aalis sa Jordan sa simula, para sa isang kampo ng pagsasanay, at sa huli, para sa tamang torneo.

“We will have a two-week training camp sa Jordan, so it’s a pre-tournament training camp that starts on Oct. 14. First couple of weeks we’ll do training camp before we start competing in the Asian Championships,” ani Manalo .JC