OMB pinalulusaw ni Jinggoy: ‘Walang silbi’

OMB pinalulusaw ni Jinggoy: ‘Walang silbi’

February 22, 2023 @ 2:44 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inihain ni Senador Jinggoy Estrada ang panukalang Senate Bill No. 1904 na may layunin na tuluyan nang lusawin ang Optical Media Board (OMB) dahil hindi na angkop ang tungkulin nito sa kasalukuyang pag-unlad ng teknolohiya.

Sa kanyang explanatory note, sinabi ni Estrada na minomonitor at pinangangasiwan ng OMB ang matagal nang obsolete industry at hindi na ginagamit o paso na ang mga kagamitan nito sa pag-iimbak bilang pagkontrol ng ahensiya.

“Through the years, significant technological advancements in the media landscape rendered the use of video tapes and compact discs as obsolete,” ayon kay Estrada.

“During the conception and implementation of… regulatory policies, films were pirated, illegally circulated, and physically stored in optical media. Today, movies and television series are consumed through digital and online platforms and streaming services,” giit a niya.

Bilang suporta sa kanyang panukala, binanggit ni Estrada ang “dismal performance” ng ahensiya sa pagsugpo ng film piracy.

Aniya, sa loob ng limang, patuloy ang pagbaba ng tinatayang halaga ng nakukumpiskang bagay mula sa P763 milyon noong 2018 hangggang sa P305,000 nitong 2022.

Binanggit din ng mambabatas na nabigo ang OMB na magsampa ng bagong kasong administratibo sa mga lumabag sa Republic Act 9239 o ang Optical Media Act of 2003.

Sinabi ni Estrada na sakaling maisabatas, ililipat ang ari-arian at di nagastos ng badyet ng OMB partikular ang pagsugpo sa film piracy, tungo sa Film Development Council of the Philippines.

Inaatasan din ng panukala na kukunin ng FDCP ang empleyado at opisyal ng OMB kung kailangan.

Sa mga naitalaga naman, bibigyan sila ng pagkakataon na maitalaga sa ibang ahensiya ng pamahalaan kung nakamit nila ang kuwalipikasyon na kailangan sa posisyon doon.

“Officers and employees who are separated from the service as a result of the abolition of the OMB shall receive the corresponding separation benefits under applicable laws and regulations,” ayon sa explanatory note ng panukala.

“Those who are qualified to retire under existing laws will be allowed to do so and receive retirement benefits and/or gratuity to which they may be entitled under applicable laws, rules, and regulations,” dagdag ng panukala. Ernie Reyes