OMBUDSMAN AT 3 KASO SA NIA

OMBUDSMAN AT 3 KASO SA NIA

November 19, 2022 @ 11:01 AM 2 weeks ago


MAY naresolba na ang Office of the Ombudsman o OMB ukol sa tatlong kaso na umaapoy sa National Irrigation Administration o NIA.

Sinuspinde ng OMB si NIA Administrator Benny Antiporda sa loob ng anim na buwan at kalakip nito ang hindi pagpapasahod sa kanya.

Lumabas ang suspensyon ilang linggo lang makaraan siyang ireklamo sa grave coercion, oppression, harassment at ignorance of the law.

May dalawang naman kaso na isinampa ni Antiporda laban kina Atty. Lloyd Allain Cudal, dating pinuno ng NIA legal service, at Atty. Mary Annabelle Cruz-Domingo na tauhan niya, noong Setyembre 15, 2022 dahil sa graft and corruption, inexcusable negligence, inefficiency, incompetence at iba pa.

Nag-ugat ito sa pagkatalo ng NIA sa teknikalidad sa isang kasong kaugnay ng hindi natapos na proyektong irigasyon sa Central Luzon at pinagbabayad ng hukuman ang NIA ng P205 milyon sa kontratista.

Ikatlo ang kasong isinampa ni Antiporda laban kay Michelle Raymundo, dating NIA corporate secretary, noong Oktubre 18, 2022 na naglalaman ng betrayal of public trust, graft and corruption, habitual drunkenness, discourtesy, grave misconduct, maltreatment at iba pa.

Nag-ugat umano ito sa pagtanggi ni Antiporda na pirmahan ang kwestiyunableng P20 milyong kontrata na inilatag sa kanya ni Raymundo sa unang NIA board meeting na kanyang dinaluhan.

Kaugnay ng mga ito, sinasabi ng “The Ombudsman Act of 1989” sa Section 23. Mandate – The Ombudsman shall give priority to complaints filed against high ranking government officials and/or those occupying supervisory positions, complaints involving grave offenses as well as complaints involving large sums of money and/or properties.

Sinasabi rin ng Section 13. Mandate. — The Ombudsman and his Deputies, as protectors of the people, shall act promptly on complaints filed in any form or manner against officers or employees of the Government, or of any subdivision, agency or instrumentality thereof, including government-owned or controlled corporations, and enforce their administrative, civil and criminal liability in every case where the evidence warrants in order to promote efficient service by the Government to the people.

Sa aking palagay, sakop ng mga mandatong ito sina Cudal, Cruz-Domingo at Rymundo.
Tanong: Bakit tila si Antiporda lang ang mabilis na dinesisyunan ng Ombudsman?