Ombudsman inatasan sina Esperon, Badoy, Parlade na maghain ng counter-affidavit sa 2020 admin complaint

Ombudsman inatasan sina Esperon, Badoy, Parlade na maghain ng counter-affidavit sa 2020 admin complaint

July 2, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos dalawang taon nang ikasa ang administrative complaint laban sa tatlong dating opisyal ng anti-communist insurgency task force ng pamahalaan, ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na sagutin ng respondents ang mga akusasyon laban sa kanila.

Sa order na may petsang Hunyo 16, 2022, ipinag-utos ng Office of the Ombudsman kina dating National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., dating Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy, at retired Southern Luzon Command chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr. na maghain ng counter-affidavits ukol sa reklamong inihain laban sa kanila ng National Union of Peoples’ Lawyers, sa loob ng 10 araw pagkatanggap ng order.

Ang tatlo ay kapwa bahagi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang order ay ng Ombudsman ay mula sa administrative complaint filed na inihain ng NUPL noong Disyembre 2020, na naglalayon na ipasibak ang tatlong opisyal sa serbisyo at tanggalan ng mga benepisyo.

Inireklamk ng NUPL sina Esperon, Badoy, at Parlade sa pag-akusa sa kanila na parte ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na “unsupported by credible, competent and admissible evidence.”

“In this case, respondents have abused the offices they hold and have taken advantage of the positions by persecuting and espousing lies and unfounded accusations and false attributions against NUPL and its members,” pahayag ng NUPL sa 47-page complaint.

Iginiit ng Ombudsman na ang hindi paghahain ng counter-affidavits ng tatlong inirereklamo sa itinakdang panahon “shall be deemed a waiver of their right to submit controverting evidence and the investigation shall proceed accordingly.”

“No motion to dismiss or bill of particulars, or other dilatory motions shall be entertained,” dagdag nito. RNT/SA