Ombudsman, kinasuhan si mayor sa pa-cater na P2.6-M

Ombudsman, kinasuhan si mayor sa pa-cater na P2.6-M

July 25, 2018 @ 2:11 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Sinampahan na ng Office of the Ombudsman ang alkalde ng Jiabong, Samar ng 16 counts ng graft dahil sa P2.6 million na halaga ng catering noong 2012.

Bukod kay Jiabong Mayor Jocelynde Jesus, kinasuhan din ang budget officer na si Arnaldo Morabor, treasurer Erna Morabor, Accountant Rolando Jabeguero at ang may-ari ng Helen’s Catering Services na si Helen Labrague.

Agad ding sinibak sina Arnaldo, Morabor at Jabaguero sa serbisyo matapos mapatunayang guilty sa grave misconduct.

Lumabas kasi sa 2012 Commission on Audit report na gumastos ng P2.6 milion ang munisipyo para lang sa 32 catering service contract kung saan, ang kalahati dito ay para sa Helen’s Catering Services.

“It is undisputed that the value of the 16 catering transactions exceeded the threshold set by law, yet public respondent Arnaldo proceeded with the procurement thereof without public bidding. Despite the patent irregularities in the supporting documents, public respondents De Jesus, Erna and Jabeguero still caused payment to private respondent,” ayon sa Ombudsman. (Remate News Team)