Ombudsman Martires bigyan natin ng pagkakataon – Rep. Atienza

Ombudsman Martires bigyan natin ng pagkakataon – Rep. Atienza

July 28, 2018 @ 4:29 PM 5 years ago


Manila, Philippines – “Let’s give him the chance to do his job”

Ito ang apela ni Buhay Partylist Rep Lito Atienza sa mga kritiko ni bagong Ombudsman Samuel Martires,aniya,sa halip na hanapan ng mali at pulaan ay nararapat na pagkatiwalaan at suportahan ito sa kanyang bagong papel bilang Ombudsman.

Una nang pinulaan si Martires sa kanyang mga desisyon sa Korte Suprema na nagpapakjta ng pagkatig sa administrasyon kung saan kunuwestiyon ang kawalan nito ng indepencence.

“Justice Martires has a very tough mission ahead of him.Our impression of the new Ombudsman is that he is a fair-minded person who will uphold the law without bias or prejudice and we are counting on Martires to do what is right”pahayag ni Atienza.

Sa datos ng Kamara nabatid na 9,000 kasong kriminal at administratibo laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang naihahain kada taon sa Ombudsman.

Samantala sinabi ni Albay Rep Edcel Lagman na umaasa syang magiging totoo si Martires sa naging pahayag nyang hindi nya papayagan na gamitin sya ng mga pulitiko gayundin ay hindi hahayaan na gamitin ang tanggapan ng Ombudsman bilang kasangkapan sa political persecution. (Gail Mendoza)