Ombudsman Martires kinalampag ng Karapatan: Magdesisyon na vs NTF-ELCAC execs complaint

Ombudsman Martires kinalampag ng Karapatan: Magdesisyon na vs NTF-ELCAC execs complaint

December 6, 2021 @ 10:52 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinalampag ng Human rights group na Karapatan si Ombudsman Samuel Martires na aksyunan na ang inihaing reklamo noong nakaraang taon laban sa ilang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Idiniin ni Cristina Palabay, secretary-general ng Karapatan na tuloy-tuloy ang naturang task force sa pag ‘Red-tag’ sa mga organisasyon at miyembro nito, kabilang na ang mga akusasyon na konektado sila sa mga rebeldeng grupo.

“For the past three years, the NTF-Elcac, led by its officials, has systematically and repeatedly engaged in Red-tagging Karapatan to make our human rights workers targets of counterinsurgency operations,” sinabi ni Palabay sa isang statement.

Matatandaan noong Disyembre 4, 2020 ay naghain ng reklamo si Palabay sa Ombudsman laban kina Hermogenes Esperon Jr., National Security Adviser at vice chair of NTF-Elcac; retired Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., na commander noon ng Southern Luzon Command ng militar, at kay Communications Undersecretary Lorraine Badoy.

Tagapag-salita ng NTF-ELCAC sina Parlade at Badoy ng mga panahong iyon.

Isinama rin sa reklamo si Overseas Workers Welfare Administration Undersecretary Margaux ‘Mocha’ Uson.

Iginigiit ng Karapatan na malinaw na paglabag sa Republic Act No. 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity ang isinasagawang Red-tagging ng grupo.

“Far from being mere statements, Red-tagging is a policy of the NTF-Elcac, one which has proven to be deadly,” ani Palabay. RNT