Ombudsman nakapaghain ng mas maraming kaso ngayong 2022

Ombudsman nakapaghain ng mas maraming kaso ngayong 2022

December 28, 2022 @ 4:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mas marami ang naisampang kaso ng Office of the Ombudsman sa unang tatlong quarter ng 2022 kumpara sa kabuuang bilang noong nakaraang taon.

Batay sa tala ng Sandiganbayan, nakatanggap ito ng 209 kaso mula sa Ombudsman hanggang nitong Setyembre, na mas marami kumpara sa kabuuang 163 kaso noong 2021.

Nauna nang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na pinabagal ng COVID-19 pandemic ang resolusyon sa paghahain ng kaso.

Karamihan sa indictments para sa taong ito ay may kinalaman sa malversation, graft, at civil cases.

Samantala, mayroong mahigit 2,500 kasong pending sa pitong dibisyon ng Sandiganbayan.

Naresolba o naibasura na nito ang halos 600 kaso mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon.

Dahil sa pagtama ng pandemya, kakabalik lamang ng anti-graft court sa full in-court hearings nitong 2022. RNT/SA