Ombudsman offices sa QC, sarado ‘gang Enero 19

Ombudsman offices sa QC, sarado ‘gang Enero 19

January 11, 2022 @ 12:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Office of the Ombudsman sa Quezon City na sarado ang kanilang mga opisina hanggang Enero 19.

Ito ay bunsod ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa kanilang mga empleyado.

Habang epektibo sa Enero 20, magpapatupad naman ang Ombudsman skeleton workforce partikular sa Public Assistance Bureau, Central Records Division, CREMEB-Luzon, CREMEB-MOLEO, at OSP Records Offices.

Maging sa Finance Management Information Office, General Administrative Office, Management Information System Service at Human Resource and Management Division, ay ipatutupad ang skeletal workforce.

“The heads of these offices shall ensure that the reporting employees have no COVID-19 symptoms, have negative RT-PCR or antigen testing results… and were not exposed to a COVID-19 infected person within 10 days prior to reporting,” ayon sa abiso.

Ang mga office head naman ay dapat na magsumite ng pangalan ng mga empleyadong papasok sa opisina, kabilang na rin ang mga magwo-work-from-home.

Iiklian ang pasok sa 8 am to 3 pm para naman sa disinfection procedures.

Sa kabilang banda, ang paghahain ng pleadings, motions, affidavits, at iba pang relevant documents sa lahat ng mga opisina sa Ombudsman sa QC ay ititigil din at babalik ito sa Enero 20 na. RNT