Ombudsman, pinayuhang maging ‘model agency’ sa paggastos ng secret funds

Ombudsman, pinayuhang maging ‘model agency’ sa paggastos ng secret funds

November 15, 2022 @ 3:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Office of the Ombudsman na maging “model agency” sa pamamagitan ng transparency sa paggamit ng confidential funds.

Isinagawa ito ni Pimentel sa ginanap na deliberasyon ng badyet ng Ombudsman sa 2023 na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance sa plenaryo.

Ayon kay Pimentel, tumatanggap na ng confidential funds ang anti-graft office simula pa noong 2018. Sa ngayon, humihingi ang Ombudsman ng P51.468 milyon para sa confidential funds.

“If ever the confidential funds for the Ombudsman will be retained in the 2023 budget, maybe the appeal of this representation, if the Office of the Ombudsman could be the model agency in the reporting and liquidation of the said confidential funds,” ayon kay Pimentel.

“Kasi kung talang hindi natin maiwasan, talagang hindi natin ma-zero ang confidential funds all over the government bureaucracy, at least there is a model agency which the [Commission on Audit] can point to, and then tell the other agencies with confidential funds, ‘This is the way to be more transparent in the reporting and use of the confidential funds,'” aniya.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Angara na ipinauubaya ng Ombudsman sa Senado kung aaprubahan ang kanilang confidential funds na hinihingi.

“The Ombudsman, Justice [Samuel] Martires, whispered to me that it’s up to us… what level we wish to set it at,” ayon kay Angara.

Sa pagsusulong ng kanyang punto, binanggit ni Pimentel ang kaso ng Energy Regulatory Commission (ERC) na pumayag na ilaan sa iba ang confidential funds nito simula pa lamang ng deliberasyon ng badyet sa Senate finance subcommittee level.

“One good example si ERC. Mayroon ding confidential fund, P15 million, but sa subcommittee level winaive niya na kaagad,” ani Pimentel.

Aniya, inilaan ang naturang P15 milyon sa ibang budgetary items sa mismong ahensiya.

“Si ERC pwedeng ma-cite as a good example in pursuing our call for transparency, more itemization of budget entries,” aniya.

Inaprubahan ng Senado ang panukalang P4.7 bilyong badyet ng Office of the Ombudsman sa antas ng plenaryo. Ernie Reyes