Omicron beberipikahin ng Genome Center kung dominanteng variant na sa Pinas

Omicron beberipikahin ng Genome Center kung dominanteng variant na sa Pinas

January 11, 2022 @ 4:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ng Philippine Genome Center (PGC) nitong Martes ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na ang Omicron na ang dominanteng variant sa Pilipinas, at sinabing base lamang ito sa huling sequencing run at magse-sequence pa sila ng mas maraming local samples upang beripikahin ito.

“Ang data natin sa December, madami pa rin ang Delta doon except that when we did purposive sampling na mga ROFs (returning overseas Filipinos) natin ‘tsaka mga local samples with clusters sa National Capital Region (NCR), marami tayong nakitang Omicron,” aniya.

Ito ang naging tugon niya matapos ihayag ni Duque nitong Lunes na nahigitan na ng Omicron ang Delta bilang dominanteng variant sa bansa.

“Base sa pinakahuling run of whole genome sequencing, 60% na po ng samples na nasequence ay positive na po for Omicron variant so siya na po nagdo-dominate na variant whereas before it was the Delta,” sabi ni Duque sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit nilinaw ni Saloma na dahil lamang ito sa pinakabagong resulta kung saan 48 samples ang isinailalim sa sequencing noong Enero 2, 2022.

Sa bilang na ito, 29 ang Omicron variant.

“Whether this is reflective of the fact that Omicron is already dominant in the country, we need to have further evidence,” patuloy niya.

Paliwanag ni Saloma, ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa bansa na katangian ng Omicron ay nararanasan din sa ibang bansa. RNT/SA