Omicron case natuklasan sa Iloilo City- Treñas

Omicron case natuklasan sa Iloilo City- Treñas

January 5, 2022 @ 4:47 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Natuklasan sa Iloilo City ang isang kaso ng Omicron variant sa lungsod, ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas nitong Miyerkules.

Sa pahayag niya sa kanyang Facebook page, inilahad ni Treñas na ang naturang Omicron case ay isang lalaking returning overseas Filipino worker galing Kenya, 46-anyos. Nagpositibo siya sa coronavirus disease (COVID-19) noong Disyembre 27, 2021.

Hindi siya bakunado at mula sa distrito ng Arevalo.

Batay sa mga ulat, sinabi ni Treñas na sumailalim ang OFW sa hotel quarantine at dalawang beses nagnegatibo sa COVID-19 test.

Subalit, nito lamang Disyembre 27, 2021, nagpositibo siya sa virus at wala umanong close contacts.

“Let us all stay vigilant! Please be safe,” giit ni Treñas. RNT/SA